top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Makakapag-abroad sa year 2020 kung magsusuot ng kulay pula, dilaw o berde

  • Maestro Honorio Ong
  • Dec 26, 2019
  • 2 min read

Dear Maestro, Nagbabalak akong mag-apply abroad sa 2020 kaya ang tanong ko ay kung mag-a-apply ako at magre-resign sa kasalukuyan kong trabaho, maganda ba ang taong 2020 para sa akin? Nagdadalawang-isip ako na baka mag-resign ako, tapos hindi rin matuloy ang aking pag-a-abroad kaya sayang naman ang aking trabaho. Maestro, ano ang maisa-suggest ninyo at ano ang aking masuwerteng kulay na dapat kong gamitin? April 10, 1989 ang birthday ko.

Umaasa, Juliet ng Dalig, Cardona, Rizal

Dear Juliet, Ang pinakamabuti mong magagawa ay ganito, huwag ka munang magre-resign sa trabaho habang hindi ka pa sigurado kung makaaalis ka. Sa halip, mag-file ka ng leave habang nag-a-apply o um-absent ka na lang muna.

Ayon sa Decadens ng iyong Kapalaran, (pero dapat ding masuri o matingnan ang kaliwa at kanan mong palad) sa 2020 sa buwan ng Enero hanggang Mayo, may darating na magandang kapalaran na posibleng maganap ang iniisip mong pangingibang-bansa.

Ibig sabihin, tamang-tama at pagbungad ng 2020 sa buwan ng Enero, mag-ayos ka agad ng mga papeles mo at siguradong sa 2020 sa edad mong 31 pataas, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.

Sa pag-a-apply at paglakad ng mga papeles sa susunod na taon, isuot mo ang mga kulay na dilaw, berde at pula upang suwertehin ka, pula kapag ang petsa ay 3, 12, 21, 30, 9, 18, 27, 6, 15 at 24, lalo na kung natapat ang petsang nabanggit sa mga araw ng Martes, Huwebes at Biyernes, berde o dilaw naman tuwing sasapit ang mga petsang 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22 at 31, higit lalo kung natapat ang nasabing petsa sa mga araw ng Lunes, Sabado at Linggo.

At tulad ng nasabi na, Juliet, ayon sa iyong Travel Calendar, sa 2020 bago sumapit ang edad mong 31, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong karanasan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page