Kasabay ng Pasko, kumalat… Park Hyuk Kwon at Ho Soo Hyang, hiwalay na

Paskung-pasko kahapon, pero ang tsikang break na sina Park Hyuk Kwon at Jo Soo Hyang ang mainit na pinag-uusapan sa Korean entertainment.
Ayon sa balitang inilabas ng Soompi.com, mula sa source na malapit sa dalawa, “The couple has decided to end their relationship as lovers and return to a senior-junior relationship (in the workplace).”
Last March ng taong ito nang pumutok ang balitang “in a relationship” sina Park Hyuk Kwon at Jo Soo Hyang for two years now. Ang tsika pa, madalas makitang bumibisita ang aktres sa bahay ni Park Hyuk Kwon sa Jeju Island.
Walang kumpirmasyon na ini-release ang dalawa whether they were dating or not at naglabas lang ng maikling statement ang agency ng aktor.
“Since it is the actor’s private life, it’s difficult for us to confirm,” ang pahayag noon ng agency ni Park Hyuk Kwon.
At sa balitang break na ang dalawa, inulit lang ng agency ni Park Hyuk Kwon ang nauna nilang statement.
Naging maingay ang napabalitang relasyon ng dalawa dahil na rin sa 20 years na age gap nila. Si Park Hyuk Kwon ay 49 years old na habang si Jo Soo Hyang ay 29 years old.
Si Park Hyuk Kwon ay huling napanood sa Korean drama na Nokdu Flower ng SBS TV last April to July of this year, habang si Jo Soo Hyang naman ay huling napanood sa Tale of Nokdu ng KBS2 na katatapos lamang last November.





Comments