top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Horoscope | Disyem­bre 26, 2019 (Huwe­bes)

Maestro Honorio Ong
Dec 26, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Disyem­bre 26, 2019 (Huwe­bes): Pag-ibig ang buhay mo kaya magmahal ka at sikapin mong mapanatili ang tamis ng pagmama­ha­lan. Ito ang susi ng iyong magagandang kapalaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong hayaang ma­tangay ka ng galit. Habaan mo ang iyong pang-unawa dahil hindi lahat ay may sapat na talino para makuha ang mga simpleng bagay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-18-20-24-28-31.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ay araw mo at ang mga susunod na araw ay sa iyo pa rin. Isabuhay mo ang pagiging masinop at mapagpahalaga sa mga biyayang mapasasaiyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-16-20-38-49-44.

GEMINI (May 21-June 20) - Isingit mo ang ilang san­dali ng pahinga. Sa pag­pa­pahinga, papasok sa isip mo ang magagandang paraan kung paano ka pa­palarin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masu­werteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-15-16-21-33-40.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong abusu­hin ang sarili mo sa walang katapusang gawain. Mas mahalaga ang magandang kalusugan kaysa sa anu­mang materyal na bagay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-19-20-24-34-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Li­ni­sin mo ang iyong silid-tu­lugan dahil ang magagan­dang kapalaran ay magda­ra­ti­ngan sa iyo sa kondis­yon kapag ang iyong silid-tulugan ay hindi makalat. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-15-20-29-36-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumilos ka nang kumilos dahil sa kawalang-pagki­los, ang mga negatibong pa­na­naw ay maaaring maghari sa iyo. Gawin mong abala ang sarili mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-16-18-21-23-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iwasan mo ang sobrang pag­pu­puyat dahil guma­ganda ang kapalaran mo kapag maganda ang tulog mo. Nilalapitan ka ng mga suwerte kapag napanana­tili mo ang iyong kaganda­han. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-27-30-35-41-43.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tangga­pin mo ang maliliit na regalo sa iyo dahil ang kondisyong ini­latag ng langit para mag­karoon ka ng malalaking magandang kapalaran ay ang hindi mo aayawan ang maliliit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-18-20-27-41-45.

SAGITTA­RIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka mag­papahuli kung sino ang mapalad. Hindi ka rin mahuhuli sa paramihan ng matatanggap, pero ikaw ang mangunguna sa mas maraming ipinamigay sa araw na ito. Masuwer­teng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-25-37-41-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Umaarangkada ang mga suwerte mo at mabibilis ang mga ka­ga­napan. Mas mara­ming magpapasaya sa iyo, pero ikaw ay mag­papatuloy sa pagiging mahiyain. Masuwer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-18-20-25-36-38-45.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsasawa ka sa masasayang ka­ga­napan kaya hindi nakapagtataka kung maghari sa iyo ang hindi maipaliwanag na ka­lungkutan. Mamasyal ka sa hindi mo pa napupuntahang mga lugar. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-25-29-30-37-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sundin mo ang ibinubulong ng sarili mo na pumunta ka sa malayo dahil ang tunay na ligaya ay madarama mo kapag ikaw ay lu­mayo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-17-29-36-37.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page