top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Dahil kay ‘Ursula’ 25,000 pasahero sa daungan nag-Pasko

Mylene Alfonso
Dec 26, 2019
1 min read

Mahigit sa 25,000 pasahero ang nagdiwang ng Pasko sa iba’t ibang daungan sa bansa matapos ma-stranded makaraang hindi payagan ng Philippine Coast Guard (PCG) na makabiyahe ang mga sasakyan nilang barko dahil sa Bagyong Ursula.

Ayon sa PCG, bandang alas-4:00 ng madaling-araw, may kabuuang 25,122 pasahero ang na-stranded sa mga daungan ng Bicol, Central Visayas, Eastern Visayas, Southern Tagalog, Northern Mindanao, Western Visayas at Southern Visayas.

Nabatid sa PCG na sinuspinde rin ang operasyon ng 2,700 rolling cargoes, 30 motorbancas at 169 barko kung saan 11 barko at 21 motorbancas ang nakadaong sa mga pantalan.

Samantala, tiniyak naman ng PCG na ginagawan na ng paraan upang maihatid sa kanilang pupuntahan ang mga pasahero sa sandaling humupa na ang sama ng panahon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page