Angkas drivers, tinapyasan, darami na naman ang tambay!
- Pabs Hernandez III
- Dec 26, 2019
- 2 min read
HINDI MAGANDANG PAMASKO NG LTFRB SA 17, 000 BIKERS NG ANGKAS—Nasa 17,000 bikers ng motorcycle taxi firm na Angkas ang nawalan ng pinagkakakitaan matapos ipag-utos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na 10,000 na lang ang puwedeng mamasada dahil ang libu-libong slot ay ipagkakaloob daw sa bagong kakumpitensiya nitong JoyRide.
‘Yan ang hindi magandang pamasko ng LTFRB sa 17,000 riders ng Angkas, ang tanggalan sila ng trabaho, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
17, 000 RIDERS NG ANGKAS, DARAGDAG SA MGA PINOY NA JOBLESS SA PILIPINAS—Sa totoo lang, sablay ang desisyon ng LTFRB at Technical Working Group (TWG) ng Department of Transportation (DOTr) na gawing 10,000 na lang ang riders ng Angkas at ang ibang slot ay ibigay sa JoyRide.
Puwede namang aprubahan ng LTFRB at DOTr ang prangkisa ng JoyRide nang hindi nila tinatanggalan ng trabaho ang 17,000 riders ng Angkas.
Dahil sa palpak na desisyon ng LTFRB at DOTr, libu-libong Pinoy na naman ang daragdag sa mga jobless na Pinoy sa Pilipinas, hu-hu-hu!
◘◘◘
9 MAHISTRADO, INILAGLAG NI SEC. LOCSIN?—Noong December 17, inisa-isa ni Sen. Leila de Lima sa kanyang inisyal na listahan ang mga responsable sa pag-aresto at pagpapakulong sa kanya.
Sa “De Lima’s list”, wala ang pangalan ng siyam na Mahistrado ng Supreme Court (SC) na nagbasura sa hirit niyang siya ay palayain pero sa post sa social media ni DFA Sec. Teodoro “Teddy Boy” Locsin, Jr., mistulang inilaglag nito ang siyam na Mahistrado kasi posibleng kasama raw sa ban sa Amerika ang mga ito dahil ibinasura raw nila ang hirit noon ng senadora na i-dismiss ang kaso sa kanya kaya hanggang ngayon ay nakakulong pa rin ang senadora, boom!
◘◘◘
TULOY PA RIN ANG RAKET SA ANGELES CITY KAHIT PASKO—Hindi pa rin daw nilulubayan nina “Ricky” at “Rosbee” ang raket na color games at drop balls sa Bgy. Balibago at Bgy. Cutod sa Angeles City.
Ang kataka-taka, sa kabila na lantarang dinaraya ang mananaya sa raket ng dalawang ilegalistang ito ay “nganga” lang sina Angeles City Police Director Col. Joyce Patrick Sangalang at CIDG-Angeles City-Field Office Chief Capt. Leopoldo Cajipe, mga pwe!





Comments