top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Van nasunog, gasolinahan damay

Pabs Hernandez III
Dec 24, 2019
1 min read

ILOCOS NORTE — Tinupok ng apoy ang isang van kamakalawa sa isang gasolinahan sa Bgy. Lanao, Bangui.

Ang van na nasunog ay pag-aari ni Marlon Torado, residente ng Bgy. Poblacion, Burgos sa nasabing lalawigan.

Ayon sa ulat, habang nagpapakarga ng gasolina si Torado sa kanyang van ay bigla itong nagliyab at dahil dito ay agad siya lumabas sa kanyang sasakyan.

Nabatid na nadamay ding nasunog ang ilang parte ng gasolinahan.

Wala namang iniulat na nadisgrasya sa insidente at sa ngayon ay inaalam na ng mga awtoridad ang sanhi ng pagkasunog ng van.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page