This is it, Yassi! Julia, todo-promote ng movie ni Coco
Nitz Miralles / Bida

Photo: @montesjulia08
Ipinost ni Julia Montes sa kanyang Instagrm (IG) ang photo ni Coco Martin na nakadamit-babae na galing sa karakter niyang si Paloma at kuha ang picture bago raw ang Parade of Stars.
May caption itong: “Move over girls... PALOMA is here #tripoltrobolhulikabalbon this December 25 marami pang pasabog si Coco.”
Bukod sa photo na ‘yun ni Coco, nag-post pa si Julia ng picture nina Coco, Jennylyn Mercado at Ai Ai delas Alas at may video post pa siya na ipino-promote nina Edu Manzano, Sam Milby at John Prats ang MMFF entry na kasama rin sila.
May reklamo lang ang mga netizens, bakit daw hindi in-open ni Julia ang comment box ng kanyang IG at limitado lang ang nakakapag-comment?
Masaya raw sana kung open for everybody ang comment box dahil marami silang ilalagay na statement. vjv





Comments