top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Shabu session sa Christmas Party, buking!

BRT
Dec 24, 2019
1 min read

Pito katao ang arestado nang maaktuhan umanong gumagamit ng pinaniniwalaang shabu sa loob ng isang bahay sa Cagayan de Oro sa Misamis Oriental.

Kinilala ang tatlong lalaking suspek na sina John Fritz Buhia, Eddery Quiaot at Clark Claudin Lavestre.

Habang apat na babae rin ang dinakip na sina Jelly Gamolo, Marry Grace Daamo, Elvie Lascay at Honey Fe Grace Lingua.

Sa panayam kay Macasandig Police Station Commander Maj. Erickson Sabanal, nasa gitna ng Christmas Party ang pito nang mangyari ang kanilang operasyon.

Natukoy na may ilegal na droga ring pinagsasaluhan ang mga naaresto.

Naaktuhan pa umano ng mga awtoridad ang pagbatak ng isa sa mga suspek.

Samantala, iniimbestigahan din ang posibilidad na magnanakaw ang naturang mga suspek dahil sa rami ng bag na nakuha sa kanila na walang mga identification cards.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page