P-Digong, unang Pangulong banned sa Tate
TROPANG DUTERTE, IPINA-BAN NI PRES. TRUMP SA AMERIKA—Inaprubahan na ni United States Pres. Donald Trump ang resolusyon ng U.S. Senate na i-ban sa Amerika ang mga opisyal ng Duterte gov’t. na sangkot sa pagsasampa ng kaso at pagpapakulong kay Sen. Leila de Lima.
Dahil d’yan, maitatala sa kasaysayan na sa mga naging pangulo ng Pilipinas, si P-Duterte lamang ang hindi makapag-i-state visit sa Amerika kasi tiyak sa talaan ng mga ban sa U.S., ang pangulo ng Pilipinas ang no. 1 dahil siya ang nag-utos na kasuhan at ikulong si Sen. De Lima, saklap!
****
PRES. TRUMP, ‘DILAWAN’ NA?—Ngayong ipina-ban na ni Pres. Trump sa Amerika ang mga sangkot sa pagsasampa ng kaso at pagpapakulong kay Sen. De Lima, malamang ay iisa ang nasa isip ngayon ng mga DDS. Ito ay dilawan na si Pres. Trump, ha-ha-ha!
****
PEACETALKS NG GOBYERNO AT CPP, DAPAT UMPISAHAN NA ULIT PARA MATIGIL NA ANG LABANAN —Nagkasundo na ang Duterte gov’t. at National Democratic Front (NDF) na magpairal ng tigil-putukan ngayong Kapaskuhan hanggang sa pagsapit ng Bagong Taon.
Sana, pagkatapos ng ceasefire, matuloy na ang peacetalks sa pagitan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines (CPP) para matigil na ang labanan ng Pinoy kontra sa Pinoy, period!
****
KAPOS NA SA TAX COLLECTION, NAGAWA PA NI COMM. GUERRERO NA MAG-PROMOTE NG MGA BATA NIYA SA BUREAU OF CUSTOMS—Kamakailan, sangkaterbang opisyal ng Customs ang ipinromote ni Comm. Rey Leonardo “Jagger” Guerrero sa puwesto.
Mantakin n’yo, kinapos na ng mahigit P16.5 bilyon ang tax collection ng Customs ngayong 2019, tapos nagawa pa ni Comm. Guerrero na i-promote ang kanyang mga tauhan, buwisit!





Comments