top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Disyem­bre 24, 2019 (Martes)

  • Maestro Honorio Ong
  • Dec 24, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 24, 2019 (Martes): Nakapapagod ang tuluy-tuloy na pagsisikap, pero ikaw ay makikitang walang kapaguran at ang yaman mo ay halos hindi na mabibilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pahinga ang kailangan mo ngayon. Mas magandang sa tahimik na lugar ka mamahinga. Ito ay bilang preparasyon sa mga araw na ikaw ay magiging abala. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-19-20-24-43-46.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pabayaan ang iyong sarili at mas mabuting maganda ka sa paningin ng mga magiging bisita mo. Maganda rin na makita nilang masaya ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-11-15-26-31-32.

GEMINI (May 21-June 20) - Nakapapagod ang magsaya, pero mas nakapapagod ang maging malungkot. Magsaya ka nang magsaya at huwag mong hayaang masingitan ka ng kalungkutan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-25-30-37-46.

CANCER (June 21-July 22) - Aapaw na muli ang iyong kagalakan. Dahil dito, ang mga nagkamali sa iyo at nakagawa ng kasalanan ay mamahalin mo at pasasayahin. Ito ang menahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-19-20-23-35-38.

LEO (July 23-Aug. 22) - Habaan mo ang pang-unawa mo dahil totoong marami ang mapagsamantala ngayong kapaskuhan. Kaya lang, totoo rin na mas sinusuwerte ka dahil sa kanila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-17-21-27-31-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang kaya mo, ‘yun lang ang ibigay mo. Huwag kang tumulad sa iba na hindi talaga kaya, pero ibinibigay pa kaya sa huli, ang dami nilang mga problema. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-25-30-35-44-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ingatan mong mabilis na mahulog ang loob mo sa dikit nang dikit sa iyo dahil mas maganda kung siya ang mahulog ang loob sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-10-16-24-35-44.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang malungkot kapag nabawasan ka nang malaki dahil ang darating sa buhay mo ay mas malalaki, marami at maaaring hindi ka maniwala, pero ito ay sobra sa kailangan mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-10-12-29-30-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Unawain mo ang mababa ang pagkatao. Ang totoo, sila ay kaaawaan mo dahil kahit anong gawin nilang pagsisikap, parang balewala lang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-19-20-22-23-37.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong abusuhin ang katawan mo. Ngayon, sasaya ka pero sa ibang araw ay madarama mo ang epekto ng sobrang pagod. Ito ang ilagay mo sa isipan mo sa mga araw na ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-20-24-26-35-36.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Saya rito, saya roon, saya bukas, walang katapusang saya ang mapasasaiyo. Gayunman, huwag mong kalimutan na ang iyong kinabukasan ay iyo ring pinaghahandaan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-21-28-30-31-38.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit saan ka magpunta, puwede kang sumaya. Hinay-hinay lang dahil ang sobrang pagsasaya ay nakahihina ng resistensiya at ang mahina ang resistensiya ay dinarapuan ng karamdaman. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-16-20-22-25-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page