BFF ng Pangulo kinasuhan ng rape.. P-Digong, iwas-pusoy kay Quiboloy

Dumistansiya ang Malacañang sa reklamong panggagahasa laban kay Pastor Apollo Quiboloy na self-proclaimed “appointed Son of God”.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi umano makikialam ang Palasyo hinggil sa naturang kaso laban sa lider ng Kingdom of Jesus Christ.
“First, I don’t know about it. Second, that should be a private matter involving the pastor. We will not intrude into that private domain,” ani Panelo sa press briefing sa Palasyo.
“The rule of law in this country always prevails regardless of who is involved,” sabi pa ni Panelo.
Matatandaang, bukod sa kasong rape, sinampahan din ng dating miyembro ng pinamumunuang Kingdom of Jesus Christ (KJC) si Quiboloy kasama ang lima na iba pa ng kasong child abuse at forced labor na naganap noong 2014 nang siya ay 17-anyos pa lamang na itinanggi naman ng kampo ni Quiboloy.





Comments