Daan-daang katao nalason sa alak.. ‘Wag munang tumagay — DOH
- Madel Moratillo
- Dec 24, 2019
- 1 min read

Umapela si Health Secretary Francisco Duque III sa publiko na huwag na munang uminom ng nakalalasing na inumin, partikular ng lambanog ngayong Holiday Season.
Sa gitna na rin ito ng ulat na may sampu katao mula sa Laguna ang nasawi habang daan-daan ang naisugod sa ospital matapos malason. Kasabay nito, tiniyak din ng kalihim na masusi nang iniimbestigahan ng Department of Health (DOH) ang mga naturang insidente.
Nagpadala na rin umano ang DOH ng mga regulatory inspector ng Food and Drugs Administration (FDA) sa Rizal, Laguna upang mangolekta ng samples ng lambanog at imbestigahan ang insidente.
Nagtalaga rin aniya sila ng mga grupo sa iba’t ibang health facilities kung saan isinugod ang mga biktima ng pagkalason upang ma-monitor ang kalagayan ng mga ito.
“Lambanog poisoning is caused by residual methanol, which in high level becomes highly toxic for humans. Methanol is a naturally occurring substance present during the distilling process, that should be separated and removed thereafter,” ayon pa kay Duque.
Ilang ulit na rin aniyang nagpalabas ng babala ang Food and Drugs Administration (FDA) sa mga lambanog brewers hinggil sa mataas na methanol content ng kanilang mga produkto at pinayuhan pa ang publiko na maging maingat sa pagbili at pag-inom ng mga nakalalasing na inumin.
Mahigpit din aniya ang paalala ng DOH at FDA sa publiko na bumili lamang ng produkto na rehistrado sa kanilang tanggapan at dumaan sa masusing pagsusuri.





Comments