119 nalason sa pista
- BRT
- Dec 24, 2019
- 1 min read

Isa ang patay habang nasa 118 ang naospital matapos umanong malason sa isang kapistahan sa Cotabato.
Pagkatapos kumain ay nakaramdam umano ng pagkahilo, pagsusuka at LBM ang mga residente.
Agad dinala sa ospital ang mga biktima ngunit, isang 53-anyos ang nasawi. Patuloy pa ang imbestigasyon upang mabatid ang sanhi ng pagkalason ng mga biktima.





Comments