top of page
Pokwang.jpg

Wa‘ paki sa LTFRB, kahit ilegal.. Angkas, tuloy ang biyahe

V. Reyes
Dec 23, 2019
1 min read

Ibinabala ng ride-railing firm na Angkas na kung marami sa kanilang hanay ang mawawalan ng trabaho dahil sa bagong polisiya ng gobyerno ay babalik sila sa pagiging kolorum o habal-habal.

Ipinalabas ng mga rider ang babala bilang pagtutol sa limitasyon o cap na ipinatutupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa bilang ng mga motorsiklong lalahok sa tatlong buwang pinalawig na Motorcycle Taxi Pilot Implementation.

“Kung sakaling tanggalin kami, babalik kami sa dati. Galing kami sa mga habal-habal, galing sa pagsasakay nang ilegal,” ayon kay Romeo Maglunsod, Angkas biker-partner.

“So, hindi naman kami aalisan ng hanapbuhay. Parang mag-a-underground lang kami,” dagdag nito.

Nagtapos na ang unang pilot test ng Angkas at pinalawig ito ng LTFRB subalit, nilimitahan lang sa 10,000 bikers sa Metro Manila at 3,000 bikers kada transport network company sa Metro Cebu ang makakabiyahe.

Ibig sabihin, mayroong 17,000 bikers ang posibleng mawalan ng legal na kabuhayan. Sasali na rin kasi sa extended na pilot run ang dalawang bagong motorcycle taxi providers sa Metro Manila.

Magsisimula na ngayong araw, Disyembre 23 ang extended pilot run hanggang Marso 23 ng susunod na taon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page