top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pramis ni P- Du30 na 5-minute Cubao pa-Makati, napako

  • Mylene Alfonso
  • Dec 23, 2019
  • 1 min read

Idinepensa ng Malacañang si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa ipinangako nito na magiging limang minuto na lamang ang biyahe mula sa Cubao, Quezon City patungong Makati pagsapit sa buwan ng Disyembre.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kakayanin pa rin ng Pangulo na tuparin ang kanyang pangako bago pa man matapos ang kanyang termino sa 2022 kung saan may mga kalakaran aniya bago matupad ang isang pangako.

Kung hindi man aniya ito matutupad ngayong Disyembre, may pag-asa pa naman na makamit ito.

“Alam mo ang pangako depende sa mga factor o kalakaran na magbibigay- prutas sa kanyang pangako. Kung hindi natupad ‘yung mga kalakaran na ‘yun, hindi pa magaganap ‘yun at ibig sabihin, kung hindi magaganap ngayong taon, hindi magaganap hanggang sa matapos ang kanyang termino,” paliwanag pa ni Panelo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page