top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Pirmang magulo, pabalik-balik at nakahapay sa kaliwa, magulo rin ang buhay at papalit-palit ng lalak

  • Maestro Honorio Ong
  • Dec 23, 2019
  • 3 min read

Dear Maestro, October 4, 1995 ang birthday ko at naisipan kong sumangguni sa inyo para malaman kung ano ang mangyayari sa kapalaran ko, lalo na sa love life. Napapansin ko kasi na palagi akong bigo sa pag-ibig. Nakakatatlong boyfriends na ako at nagmahal naman ako nang tapat, pero sa bandang huli ay niloloko lang ako ng mga lalaki at iniiwan. Gusto ko nang mabago ang kapalaran ko kasi napapagod na rin akong magmahal. Single mom ako ngayon dahil nagkahiwalay kami ng huling boyfriend ko na naka-live-in ko dahil sumama siya sa ibang babae matapos akong anakan. Maestro, may pag-asa pa kayang magbago ang aking kapalaran at lumigaya sa pag-ibig at makatagpo ng masaya at panghabambuhay na karelasyon o pamilya?

Umaasa, Andrea ng Aduas Norte, Cabanatuan, Nueva Ecija

Dear Andrea, Sinasabing kung ang panaginip ayon kay Sigmund Freud ay siya ring “royal road to the unconscious” o sa mas simpleng paliwanag ay matutuklasan mo ang laman ng unconscious mind sa pamamagitan ng pagtuklas ng natatagong kahulugan sa iyong panaginip, ang lagda at handwriting ng indibidwal ay ganundin, ito ay isa ring daan upang matuklasan mo ang natatagong laman ng unconscious na isipan ng tao.

Kaya almost 100% kapag maganda ang lagda o pirma ng indibidwal at tumugon ding maganda ang kanyang handwriting, posible o malaki ang tama na siya rin ay may maayos at okey sa alright na unconscious mind o unconscious-self.

Kumbaga ang lagda o pirma ay siya ring representasyon o pagpapakilala natin sa lipunan. Tunay ngang makikita sa lagda at sulat-kamay kung ano ang nasa loob ng ating isipan at itinatagong pagkatao.

Kung ang representasyon ng ating outer self ay ang mismong pisikal na anyo o physical self na tinatawag, ang lagda ay masasabi naman na malinaw na larawan ng ating inner self, partikular ang natatago nating sarili na ayaw ipakita sa lipunan.

Kaya nga kapag nababoy at nabura o sadyang pangit ang lagda, ito ay nangangahulugan din na ang nasabing indibidwal ay may magulo at hindi maayos na unconscious mind o unconscious-self kaya siya ay madalas magkandabigu-bigo sa buhay sa anumang larangang kanyang ginagampanan.

Ito rin ang dahilan, Andrea, kaya palagi kang bigo sa pag-ibig, magulo kasi at nababoy ang iyong lagda. Dapat simpleng lagda lang, hindi binurara at binaboy, hindi rin dapat nagkakapatung-patong ang mga letra at salita sa iyong pirma. Kaya para mabago ang laman o representasyon ng unconscious-self mo, baguhin mo rin ang iyong lagda.

Ganito ang gawin mo: Pagsikapan mong makalikha ng simpleng “A” sa unahang bahagi ng iyong lagda, na wala nang malaking bilog pa sa tuktok at sa pinakapaa.

Huwag ka ring pipirma na tila pasubsob ang pagkakahapay. Sa halip, sikapin mong ituwid o diretso lang ang tindig ng mga letra at salita.

‘Wag na ‘wag mong ihahapay ang iyong pirma sa direksiyong pakaliwa dahil ang kaliwang direksiyon ay kawalan ng pag-asa. Kaya kung hindi mo maituwid ang mga letra at salita, puwede ring ihapay mo nang pakanan dahil ang direksiyong pakanan naman ay sumisimbolo ng pag-asa at panibagong sigla.

Habang ang lagda naman na tuwid o diretso pati na rin ang sulat-kamay na tuwid ay naglalarawan ng “kasalukuyan” na ibig sabihin ay hindi ka nababagabag sa kahapon at lalo namang hindi ka nag-aalala sa kinabukasan, sa halip, kampanteng nakatuon ang isipan mo sa kasalukuyan kaya mas madali mong mapipitas ang tagumpay at kaligayahan.

Dagdag pa rito, dapat mo ring paghiwa-hiwalayin at ‘wag pagpatung-patungin ang mga letra at salita sa iyong lagda. At panghuli, kapag tinapos mo ang iyong apelyido sa iyong pirma, hindi mo na dapat pang ibalikwas pakaliwa ang dulong letrang “a”, sa halip, tuluy-tuloy lang na tapusin ang pirma sa direksiyong pakanan nang hindi ibinabalik pa sa kaliwa ang huling buntot ng letrang “a”.

Sa ganyang pirma, wala nang bilog ang tuktok ng letrang “M” at hindi na rin naburara, hindi rin pasubsob at ibinalikwas sa direksiyong pakaliwa ang dulong stroke ng lagda, tulad ng naipaliwanag na, sa panahong inilaan ng kapalaran, makasusumpong ka ng wagas at panghabambuhay na kaligayahan sa piling ng lalaking nagtataglay ng zodiac sign na Gemini na may birth date na 7, 16 o 25 na nakatakdang mangyari sa 2020 sa edad mong 25 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page