top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Maulang bahagi ng bansa, asahan.. Bagyong Ursula ngayong Pasko

  • V. Reyes
  • Dec 23, 2019
  • 1 min read

Asahan na ang maulang Pasko sa ilang bahagi ng bansa dahil sa low pressure area (LPA) na naging ganap nang bagyo sa labas ng teritoryo ng Pilipinas at sa isa pang LPA na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), sa Martes o Miyerkules posibleng pumasok sa PAR ang bagyo na tatawaging ‘Ursula’.

Kumikilos ang bagyo sa layong 15 kilometro kada oras na huling namataan sa layong 2,370 kilometro ng silangan ng Mindanao. Taglay nito ang lakas ng hangin na hanggang 45 kilometro kada oras at pagbugso hanggang 60 kilometro kada oras.

Asahan namang magdudulot ng mga pag-ulan sa Visayas at Mindanao ang LPA na nasa loob ng PAR.

Huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 605 kilometro ng silangan-timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur ngunit, maliit ang tsansa na maging bagyo.

Nabatid pa sa PAGASA na makararanas ng maulang himpapawid na may paminsan-minsan at kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Cagayan, Isabela, Aurora at Quezon.

Kasabay nito, matatandaang nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na posible pang umabot hanggang sa Pasko ang aftershocks na nararamdaman kamakailan sa Mindanao.

Una nang niyanig ng Magnitude 6.5 na lindol ang Cotabato at ilang parte ng Mindanao nitong Oktubre.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page