Marikina, pagdarausan ng Palarong Pambansa 2020
- MC
- Dec 23, 2019
- 1 min read

Photo: pia.gov.ph
Kumpirmado na sa Department of Education (DepEd) at pormal nang inanunsiyo na ang Marikina City ang siyang magiging bagong host ng 2020 Palarong Pambansa dahil hindi umubra na idaos sa Occidental Mindoro bilang orihinal na host.
Ang bagong balita na lumabas sa Bombo Radyo ay inanunsyo ni Palarong Pambansa secretary general at Deped Usec. Atty. Revsee Escobedo sa bisa ng opisyal na liham na inilabas kamakailan.
Kaugnay nito nagpadala na ang DepEd ng isang grupo upang tingnan ang mga sports facilities sa lungsod na tinaguriang “Shoe Capital of the Philippines.”
Kasunod nito ay humiling ang DepEd sa siyudad na magpasa ng mga listahan ng pagdarausang playing venues at billeting areas, bago simulan ang taunang Palaro limang buwan mula ngayon.
Ayon na rin sa ulat, umatras ang Occidental Mindoro na mag-host ng Palaro dahil sa lubhang napinsala ang kanilang lugar ng Bagyong Tisoy.
Sinabi ni Occidental Mindoro OIC Mario Mulingbayan, may halos P800-milyon ang halaga ng mga napinsala ng bagyo partikular sa kanilang agrikultura at pangisdaan.
Pang-apat naman ang Marikina City sa Metro Manila ang naging host ng Palarong Pambansa, nauna ang Maynila, sumunod ang Quezon City at ang Pasig City.





Comments