top of page
Pokwang.jpg

Hindi nagre-remit sa kontribusyon ng empleyado.. Employer, habambuhay kulong

BRT
Dec 23, 2019
1 min read

Parusang ‘reclusion perpetua’ o habambuhay na pagkakakulong ang inihihirit laban sa mga employer na hindi nagre-remit ng kontribusyon ng kanyang mga empleyado.

Ayon kay Cong. Eric Yap ng ACT-CIS, halos araw-araw ay may nagsusumbong laban sa mga employer na hindi nagre-remit sa SSS, PHILHEALTH at PAG-IBIG contribution ng kanilang mga empleyado pero, ikinakaltas na sa kanilang mga suweldo.

Sa ngayon, mababa lang umano ang parusa sa mga employer na hindi nagre-remit kaya bumabalangkas na ng panukalang-batas na magpapataw ng mas mabigat na parusa para matigil na ang panlolokong ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page