top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Gov’t. services, One-Stop Shop na lang

Mylene Alfonso
Dec 23, 2019
1 min read

Hindi na kailangang lumuwas ng Metro Manila ang mga overseas Filipino worker (OFW) para mag-renew ng passport, job contract, kumuha ng birth certificate, police at NBI clearance.

Ito ay matapos maitatag ang One Stop Shop Center for OFW sa ilang probinsiya.

Ayon kay Palayan City Mayor Rianne Cuevas, problema ng mga OFW ang oras dahil nauubos ito sa paglalakad ng kanilang mga papeles sa Metro Manila. Kung saan nababawasan ang pagkakataon na makasama nila ang kani-kanilang pamilya habang nagbabakasyon sa bansa.

Aniya, karamihan ng mga OFW ay isang buwan lang ang bakasyon pero, halos kalahati nito ay nauubos sa pag-renew ng kontrata, passport at mga clearance.

Mas masaklap din umano ang sitwasyon ng mga nag-a-apply pa lamang dahil kailangan pa nilang pumunta sa POEA o mga recruitment agency sa Metro Manila para maghanap ng trabaho na gumagastos na ng malaking halaga ng pera para sa pamasahe, pagkain at tirahan na matutuluyan.

Sa ngayon, ang lahat umano ng kailangang ayusin ng isang OFW sa Maynila ay dinala na sa Palayan City sa pamamagitan ng OSSCO.

Kaugnay nito, kinilala ang lungsod bilang best OFW one stop shop sa buong bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page