top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Cayetano, itinaob sina P-Digong, VP Leni at Sen. Tito sa pataasan ng rating

  • Ka Ambo
  • Dec 23, 2019
  • 2 min read

Lumabas na ang resulta ng Pulse Asia survey.

Umangat nang todo ang top 4 leaders ng bansa!

◘◘◘

ISINAGAWA ang survey noong Disyembre 3 hanggang 8.

Umangat ang trust at approval ratings nina Pangulong Rodrigo Duterte, VP Leni Robredo, Senate Pres. Vicente “Tito” Sotto III at House Speaker Alan Peter Cayetano!

◘◘◘

PINAKAMALAKI ang pag-angat ni Cayetano, 16% ang itinaas nito kung saan mula sa dating 64% na trust ay pumalo ito sa 80% habang ang kanyang approval rating ay 14% naman ang itinaas kung saan mula sa dating 62% ay 76% na ito.

Samantala, parehong 12% ang itinaas ng approval rating ni Sotto at pareho ring 9% ang itinaas ng trust at approval rating ng pangulo. Walong porsiyento naman ang itinaas ng approval rating ni VP Leni at 7% ang itinaas ng kanyang trust rating.

Kung susumahin, umangat nang husto si Cayetano kumpara sa ibang lider!

◘◘◘

NAKATULONG kay Cayetano ang performance ng Kamara. Naiproseso ng Kamara ang 900 panukalang-batas mula Hulyo hanggang ngayong Disyembre.

Sa kasaysayan, ngayon lamang nakapagtala ng mataas na grado sa survey ang Speaker ng Kamara kumpara sa mga nagdaang panahon!

◘◘◘

NOON, nagmamarka lamang ng 40 percent ang ratings ng Speaker. Ayon kay Majority Floor Leader Martin Romualdez, halos 28 panukalang-batas kada araw ang naiproseso.

Ganap nang naging batas ang Malasakit Center at ang pagpapaliban sa barangay elections!

◘◘◘

NAKATAKDA nang lagdaan ni P-Digong ang 2020 General Appropriations Act, Sin Tax at Salary Standardization.

Nasa 93 panukala na ang nasa 3rd o final reading. Kabilang ang pagpapababa sa optional retirement ng mga kawani ng pamahalaan mula 60 patungong edad 56!

◘◘◘

KUMBAGA sa matagumpay na 30th SEA Games, sobrang laki ng iskor ng Kamara ng mga representante.

‘Nganga’ ang mga kritiko!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page