4 yrs. old, unang biktima ng paputok

Isang batang babae at isang lalaki ang naitalang unang biktima ng paputok, kaugnay sa nalalapit na pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.
Batay sa inilabas na Fireworks-Related Injuries (FWRI) No. 1, nabatid na ang mga naturang kaso ay naitala ng DOH mula alas-6:00 ng umaga ng Disyembre 21 hanggang alas-5:59 madaling-araw ng Disyembre 22.
Ang unang biktima ng paputok ay isang 4-taong gulang na batang babae mula sa Region 2 na iniulat ng Southern Isabela Medical Center at isang 23-taong gulang na lalaki na mula naman sa National Capital Region (NCR) at iniulat naman ng Philippine General Hospital (PGH).
Isa sa kanila ay nabiktima ng kuwitis ngunit, hindi tukoy kung ano ang uri ng fireworks na nakasugat sa isa pa. Kapwa nasa maayos na ang mga biktima na nagtamo lamang ng burn injury without amputation.
Nabigyan na umano ng karampatang-lunas ang mga biktima tulad ng bakuna at agad ding pinayagang makauwi.





Comments