top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Year 2020, bad year, 2 judgement day ang kahulugan

Ka Ambo
Dec 22, 2019
1 min read

DEDBOL ang 2 NPA hitmen. Naunahan sila!

xxx

PAANO magkakaroon ng peacetalk kung nagpapatayan ang dalawang grupo? Nagaganap ito sa panahon ng kapaskuhan.

xxx

UULAN daw ngayong Pasko. ‘Yan ay pabalita ng mga ninong at ninang.

xxx

NINENERBIYOS pa rin ang mga taga-Mindanao dahil sa banta ng lindol. Ingat-ingat lalo na sa New Year, baka sumabog naman ang bulkan.

xxx

AYAW pang magtalaga ng bagong PNP chief ni Pangulong Digong. Eh, bakeeeet?

xxx

ANO na ang nagbabadya sa susunod na taong 2020? Double Twenty ito. Sa Tarot, dalawang “JUDGEMENT DAY” ang naghihintay. Meaning, marami na ang magwawakas ang “istorya”.

xxx

ANG taong 2020 ay taon ng mga artista, pulitiko at social media. Maraming sikat na artista at pulitiko ang yayao “nang hindi inaasahan”.

xxx

SASALUBONG sa Bagong Taon ang isang “hindi magandang pamamaalam” ng isang lider sa larangan ng showbiz at larangan ng politika. Ayon kay St. Francis de Assissi, ang pagyao ay siya ring “pagsilang”. Maraming pagbabago, inobasyon at imbensiyon ang masasaksihan sa susunod na taon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page