top of page
Pokwang.jpg

Tricycle driver, sinalvage

Pabs Hernandez III
Dec 22, 2019
1 min read

South Cotabato — Isang bangkay ng lalaki na biktima ng salvage ang natagpuan kamakalawa sa Bgy. Kablon, Tupi.

Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Rommel Evangelista, residente ng Bgy. Fatima, General Santos City.

Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na may saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan, nakabalot ng packaging tape ang mukha at nakatali ang mga kamay at paa.

Sa imbestigasyon ng pulisya, maaari umanong pinatay sa ibang lugar ang biktima at itinapon lang sa nasabing lugar ang bangkay nito upang iligaw sa imbestigasyon ang mga awtoridad.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para makilala ang mga salarin at motibo sa krimen.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page