top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pulis binaril ng riding-in-tandem, patay

  • Gina Pleñago
  • Dec 22, 2019
  • 1 min read

Binaril nang malapitan ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) ng riding-in-tandem sa Muntinlupa City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Ariel dela Cruz, 34, may asawa, nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ng Bgy. Putatan, Muntinlupa City sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa ulo.

Base sa ulat nina SMS Arthur Cortez at SMS Mark Sherwin Forastero, naganap ang pamamaril sa kahabaan ng Bruger St., ala-1:30 ng madaling-araw.

Sa inisyal na pagsisiyasat, sa salaysay ng testigo, sakay ng motorsiklo, sinundo ng biktima ang kanyang misis mula sa isang Christmas Party sa Bgy. Putatan.

Habang binabaybay nito ang Bruger St. pauwi sa kanilang bahay nang sumulpot ang dalawang suspek na nakamotorsiklo sa kanilang likuran at sa hindi malamang dahilan ay pinagbababaril ang naturang pulis.

Agad tumakas ang mga suspek patungo sa direksiyon ng southbound habang dinala ang sugatang biktima sa nabanggit na pagamutan subalit, binawian din ito ng buhay, kalaunan.

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP-2) para sa posibleng pagtukoy sa mga suspek at pagkakaaresto ng mga ito subalit, nagnegatibo ang resulta ng operasyon.

Patuloy pang sinisiyasat ng mga awtoridad ang motibo sa nangyaring pamamaslang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page