P-Du30, nagbanta noong uubusin ang mga kriminal, takot na takot ngayon, nagpa-bulletproof pa!
- Pabs Hernandez III
- Dec 22, 2019
- 2 min read
NOON, SUSUGPUIN DAW ANG MGA KRIMINAL; NGAYON, TAKOT MABARIL NG KRIMINAL — Noong 2016 Presidential Elections, ang sabi ni P-Duterte, bukod sa paglaban sa ilegal na droga, gagawin din daw niyang ligtas ang bansa laban sa mga kriminal sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan. Makalipas ang mahigit tatlong taon, bago mag-speech sa closing ceremony ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Summit ay nagpalagay si P-Duterte ng bulletproof glass panel sa stage ng Quirino Grandstand sa Maynila dahil hindi raw siya ligtas, baka may bumaril sa kanya, boom!
***
MALI NA UTUSAN ANG MGA ATLETA NA PUMATAY NG TAO — Sinabihan ni Pangulong Duterte ang mga atleta na nagtungo sa Malacañang noong Dec. 18, 2019 na pumatay ng sinumang sangkot sa ilegal na droga. Bagama’t, ‘joke’ lamang ito ng pangulo, hindi maganda na gawing biro ang ganitong bagay dahil karamihan sa mga atleta ay kabataan at hindi maganda na “udyukan” niya ang mga ito na pumatay ng tao, period!
***
MAGKASAKIT KAYA ULIT SI EX-P-NOY KAPAG NAGKAROON NA NAMAN NG IMBESTIGASYON SA MANILA WATER AT MAYNILAD? — Bago isagawa ang imbestigasyon ng Kongreso sa maanomalyang kontratang pinasok ng gobyerno sa Manila Water at Maynilad, nagkasakit si ex-P-Noy kaya isinugod siya sa ospital. Pero ngayon, nakalabas na sa pagamutan ang dating pangulo. Hindi kaya magkasakit at isugod na naman sa ospital si ex-P-Noy kapag nagkaroon ulit ng imbestigasyon sa Manila Water at Maynilad? Lumalabas na tila umiiwas si ex-P-Noy na madamay sa imbestigasyon kaya bigla siyang nagkasakit at nagpaospital nang malamang gigisahin ng Kongreso ang anomalya ng Manila Water at Maynilad, boom!
***
LOTTENG SA NAVOTAS, BUKAS-SARA — Balik-operasyon na naman daw ang lotteng ni “Leody” sa Navotas City. ‘Yan ang Navotas sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Toby Tiangco, ang operasyon ng lotteng ay bukas-sara, buwisit!





Comments