top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Nagbebenta ng MMFF passes.. Mag-BF, kulong

Gina Pleñago
Dec 22, 2019
1 min read

Photo: gmanetwork

Huli sa entrapment operation ang magkasintahan dahil sa pagbebenta umano ng passes ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Makati City, kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang mga nahuli na sina Hanna Evangelista, 21, at Carlo Jaramilla, 21, ng Bgy. West Rembo.

Ayon sa ulat ni Mike Salalima, chief of staff ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nagkasa ng entrapment operation bandang alas-11:00 ng umaga ang mga tauhan ng Southern Police District-Criminal Investigation Detective Group (SPD-CIDG), Makati City Police at Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) laban sa dalawa sa isang fastfood chain.

Batay kay Salalima, nag-alok ng MMFF passes ang dalawa sa pamamagitan ng Facebook sa halagang P450.

Napag-alaman na ang nasabing passes ay orihinal na complimentary tickets ng MMDA sa mga empleyado nila para mapanood ang lahat ng palabas sa MMFF at hindi ipinagbibili.

Dahil dito, nakipagtransaksiyon ang isa sa mga pulis gamit ang dummy account upang ma-entrap ang dalawa.

Nakuha sa mga suspek ang 200 pirasong MMFF complimentary tickets at P2,250 na marked money bilang ebidensiya.

Idiniretso ang mga suspek sa tanggapan ng SPD-CIDG upang imbestigahan at sinasabing inamin ng mga ito na may nagbigay lang sa kanila ng ticket at pinabebenta ito.

Gayunman, tumanggi ang dalawa na banggitin ang pangalan ng taong nagpabenta sa kanila.

Nakapiit na ang mga suspek sa Makati City Police at natakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page