top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ipinu-push sa talk show, TV host nega raw… Sigaw ng netizen: Catriona, 'wag kang pumayag na maka

  • Beth Gelena
  • Dec 22, 2019
  • 2 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Tinanong ng isang netizen si Kris Aquino kung willing ba siyang gumawa ng lifestyle show kasama si Miss Universe 2018 Catriona Gray since pareho silang nasa Cornerstone.

Ang sagot ni Kris sa kanyang socmed account, “She could do beauty & lifestyle. I could do cooking & family and we could both do wellness and champion our advocacies for women empowerment through job creation & education.”

May mga nag-agree sa suggestion ng netizen, pero may mga ayaw ding magkasama sa isang proyekto ang dalawang sikat na personalidad.

Ayaw nilang makatrabaho ng Queen of All Media si Catriona dahil nakakatiyak silang ‘di makakasingit ang huli kapag si Kris na ang nagsalita. “Sa sobrang kadaldalan ni Kris, I doubt na makakasingit si Cat. So please, si Cat na lang. Stop Kris.”

“Uh, uh. Not a negatron for your new beginning, Cat. Go with the right artist, host, projects except her. Bad vibes,” komento naman ng isang netizen. “A big no! She will just relegate Cat on the sideline with her nonstop blabber mouth!”

Sey naman ng ibang netizens, magandang combination sina Kris at Cat para sa isang lifestyle show dahil pareho silang mahusay magsalita.

“It’s a good idea. Kaya bigyan n’yo na ng show na pagsasamahan nila. Kung ‘yung panay kain at lait nga, may show, hahaha! Sina Kris at Cat din, please?”

Well, tanging ang Cornerstone lang ang nakakaalam kung ano ang plano nila sa career ni Catriona ngayong tapos na ang assignment niya bilang Miss Universe.

At big bang kung tutuusin kapag napagsama nila sa isang proyekto ang dalawang bigating personalidad sa entertainment world.

Knowing Kris, na kahit karamihan ay nanenegahan sa kanya, hindi naman matatawaran na once na bumuka ang kanyang bibig, nag-i-enjoy naman ang mga viewers na panoorin siya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page