Horoscope | Disyembre 22, 2019 (Linggo)

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 22, 2019 (Linggo): Hindi ka mananatili sa mababang puwesto dahil ang kahulugan ng petsa ng kaarawan mong ito ay nagsasabing ikaw ay para sa matataas na katungkulan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Napakarami mong gusto sa iyong buhay. Ang payo ay nagsasabing tutukan mo ang isa sa malalaking ambisyon mo dahil ikaw ay itinalaga sa malalaking proyekto at hindi sa maliliit. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-18-20-24-26-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kahit medyo mahirapan ka, ituloy mo ang gusto mo. Nakakapit dito ang malalaking suwerte mo na magpapabago sa takbo ng buhay mo papunta sa ganap mong pag-asenso. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-19-26-30-32-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Bumanat ka nang bumanat at huwag mo nang bilangin ang mga pakinabang. Sa huli, magugulat ka at hindi makapaniniwala na ang kaban ng yaman mo ay umaapaw na pala. Masuwerteng kulay-green. Masuwerteng kulay-16-18-28-29-36-41.
CANCER (June 21-July 22) - Iwasan mong maging emosyunal sa mga hindi magagandang nagaganap sa iyong harapan. Ang magagandang kapalaran ay nagsisidapo lang sa mga may masayahing personalidad. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-14-15-23-33-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kakaibang sikreto ng magandang kapalaran ay iyong kailangang malaman na nagsasabing, ang napasaiyo puwede mong ipamigay at ito ay papalitan ng langit na mas maganda para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-17-21-25-30-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hayaan mo lang na magsaya ang iba, ang hindi nila alam ay ang huling halakhak ay para sa iyo kung saan ang kagustuhan ng lahat ay biglang mapupunta sa kamay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-12-20-24-30-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makipagsapalaran ka. Ang hindi nakikipagsapalaran ay walang inaasahan dahil sumasaya ang tao dahil sa pakikipagsapalaran. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-17-21-24-25-31.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maging kalmado ka dahil ito ang susi para makita mo kung ano ang mas magandang gawin. Kaya kumalma ka lang nang mas malaki ang pagkakataon na makamit mo ang iyong gusto. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-18-21-26-34-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hawak mo sa araw na ito ang iyong kapalaran kaya ang kabiguan at tagumpay ay nakadepende sa iyo. Pagbutihin mo dahil muli, hawak mo ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-19-20-25-39-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakatutuwa ang marami dahil gigil na gigil sila na sila ay susuwertehin. Ikaw naman na naghihintay lang ang tatanghaling pinakamapalad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-17-24-25-37-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magparaya ka at huwag kang maging agresibo sa araw na ito. Sa pagpaparaya mo, ang malalaking suwerte ay himalang matatagpuan sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-13-15-21-22-27.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mamasyal ka kapag nalulungkot ka, pero mamasyal ka rin kahit masaya ka na. Sa pamamasyal, magbabalikan ang mga suwerte mo kung saan aapaw ang kaligayahan sa puso mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-21-23-30-33-39.




Comments