Cavite-Laguna Expressway, bukas ngayong Kapaskuhan — DPWH
- Gina Pleñago
- Dec 22, 2019
- 1 min read

Mananatiling bukas ngayong Holiday Season sa mga motorista at biyahero ng Sta. Rosa City-Tagaytay City dahil nakumpleto na ang pinal na pag-inspeksiyon kahapon ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Mark Villar sa 10-kilometrong bahagi ng Cavite Laguna Expressway (CALAX) sa pagitan ng SLEX Mamplasan Interchange at Sta. Rosa City sa Laguna.
Binuksan lang noong Oktubre 30, 2019 ang isang bahagi ng expressway section na naserbisyuhan ang libu-libong commuters na nakaiwas sa trapik sa Mamplasan hanggang Sta. Rosa Road.
“We are happy to support DPWH Sec. Villar’s request and we assure our motorists of continued hassle-free travel this Christmas season,” ani MPCALA Holdings President Roberto V. Bontia.
Kapag naisyu na ang mga permit, ang nasabing section ay magiging fully operational at saklaw ng MPCALA ang full time traffic management teams at 24/7 emergency roadside services.
Ang natitirang bahagi ng 45-kilometer CALAX ay kasalukuyang ginagawa pa at magbibigay naman ng mabilis na alternatibong ruta ang pagkumpleto sa 2x2 lane expressway sa pagitan ng CAVITEX sa Kawit, Cavite hanggang sa South Luzon Expressway (SLEX) at Mamplasan Interchange sa Biñan, Laguna.





Comments