Shortlist ng mga nominado sa pagka-SC associate justice, inilabas na
- BRT
- Dec 21, 2019
- 1 min read

Inilabas na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang shortlist ng mga nominado para maging bagong associate justice ng Korte Suprema.
Sa liham ng JBC kay Pangulong Rodrigo Duterte, nagsumite ito ng anim na pangalan na maaaring mapagpilian ng Pangulo para italagang bagong Mahistrado.
Kabilang dito ang mga sumusunod: Manuel Barrios, Samuel Gaerlan, Ramon R. Garcia, Jhoseph Y. Lopez, Jose Midas Marquez at Eduardo Peralta, Jr.
Ang mapipili ng Pangulo na hirangin bilang associate justice ang papalit sa naiwang puwesto ni Justice Diosdado Peralta na ngayon ay Punong Mahistrado na.





Comments