top of page

Saktung-sakto pa sa budget mo... Masasarap kainin tuwing malamig ang panahon

  • Twincle Esquierdo
  • Dec 21, 2019
  • 2 min read

Ngayong taglamig, patok na naman ang maiinit na pagkain tulad ng mga may sabaw dahil kapag ganito ang panahon, naghahanap ng mainit ang ating tiyan, gayundin, masarap matulog kapag malamig ang panahon.

Alamin natin kung anu-anong mga pagkain ang makatutulong para maibsan ang lamig o mabalanse ang temperatura ng ating katawan:

1. MAIINIT NA INUMIN. Kape, tsaa at hot choco ang kadalasang iniinom natin para maibsan ang lamig na ating nararamdaman, pero hinay-hinay lang sa pag-inom dahil baka mapaso ang iyong dila.

Gayundin, puwedeng isabay dito ang pagkain ng mga tinapay tulad ng pandesal at pan de-coco na paborito ng karamihan sa atin.

2. SABAW. Siyempre, hindi magpapahuli ang ating mga magulang para magluto ng mga masasarap na pagkain na magpapainit sa ating mga tiyan. Halimbawa nito ang bulalo, sinigang, noodles, lugaw, ramen at sopas. Sa pagkain at paghigop ng mga ganitong uri ng maiinit na sabaw, nakatutulong ito para gumaan ang ating pakiramdam at siguradong nanamnamin ninyo ang bawat paghigop nito.

3. PAGKAING MAYAMAN SA VITAMINS C AT A. Dahil karaniwang nakakukuha ng mga sakit sa panahong ito tulad ng sipon at ubo, make sure na makakakain tayo ng carrots, cheese, mangga, kalabasa, kamatis, melon, repolyo, broccoli, orange, pinya at makaiinom ng gatas.

Makatutulong ang mga ito upang makaiwas sa ubo at sipon. Gayunman, kapag nagkaroon kayo nito, huwag balewalain at umiwas sa stress, uminom ng maraming tubig, huwag manigarilyo at magkaroon ng sapat na tulog at pahinga para mabilis na gumaling.

4. OATMEAL PORRIDGE. Mayroon itong nutrients na mainam sa katawan kapag malamig ang panahon tulad ng zinc na importante sa immune function at soluble fiber na para naman sa heart health at makatutulong din para magpababa ng blood pressure, obesity at chronic disease.

May iba’t ibang klase ng oatmeal, mayroong gawa sa butil ng bigas at mais.

5. ITLOG. Hindi akalain na isa ito sa mga makatutulong na pangontra sa lamig. Kabilang ang itlog sa super food dahil isa itong powerhouse of energy. Gayundin, mayaman ito sa protina at bitamina na tumutulong upang mapanatiling warm ang katawan.

Nakare-relax nga naman ang ganitong panahon dahil habang umuulan at malamig ay masarap kumain ng mga nabanggit na pagkain dahil nagiging balanse ang temperatura ng ating katawan.

Kaya mga ka-Bulgar, tamang relax lang kayo at magpaka-emo ngayong taglamig, pero ugaliin pa rin nating maging alerto, lalo na kapag tag-ulan.

Okie?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page