Mga Aeta, nagpamasko ng 10,000 kilos ng kamote sa Maynila
- Mylene Alfonso
- Dec 21, 2019
- 1 min read

Nasa 10,000 kilos ng sweet kamote ang ibinahagi ng mga Aetas mula sa Capas, Tarlac bilang bahagi ng kanilang gift giving mission sa mga taga-Baseco, Tondo, Manila.
Isinakay sa pick-up ng mga Aeta na nakasuot ng bahag ang saku-sakong kamote saka dinala sa covered court matapos makipag-coordinate sa Baseco Police Community Precint, bandang alas-11:00 ng umaga.
Pinapila ang mga tao at binigyan ng suput-supot na kamote. Kaugnay nito, umani naman ng papuri sa mga netizen ang kuhang litrato ng mga Aeta habang namimigay ng kamote sa mga residente ng Baseco.
“Mabuti pa sila namimigay. They valued the spirit of love and Christmas. Sana mga mayaman din ay mamimigay. God bless their beautiful heart,” ayon kay Rosevilla Custodio.
“Such a work of charity. My salute to all of you my Aeta brothers. God bless you a hundred fold,” sabi naman ni Irene Donato Melad.
“They who we thought who has far less than most of us turns out has more to offer than any of us. May they be blessed more,” wika naman ni Kimberly Maratas.





Comments