top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Holdaper ng taxi, tiklo

  • Gina Pleñago
  • Dec 21, 2019
  • 1 min read

Nahuli ng mga elemento ng Pasay City Police ang isang holdaper matapos holdapin ang isang taxi driver kahapon ng madaling-araw sa nasabing lungsod.

Kinilala ang suspek na si Philip Tigtig alyas Nognog, 27, binata, barker, residente sa Bgy. 719, Zone 78, Malate, Manila.

Samantala, ang biktima ay kinilalang si Nestor Calanas, 50, may asawa, taxi driver, ng Camarin, Caloocan City.

Sa ulat ni SSgt. Jimmy Rufo, nahuli ang suspek sa panulukan ng Menlo at Leveriza Sts., Bgy. 33, Zone 3 sa Pasay City, alas-2:30 ng madaling-araw.

Ayon sa imbestigasyon, unang nagtungo ang biktima sa tanggapan ng Police Community Precinct (PCP) Buendia kaugnay ng panghoholdap sa kanya ng suspek.

Sinabi ng biktima na sumakay sa kanyang taxi ang suspek sa Rizal Complex sa P. Ocampo St., Malate.

Pagsapit sa panulukan ng Menlo at Leveriza St. sa Pasay City, bumunot ng patalim ang suspek, tinutukan umano ang biktima at nagdeklara ng holdap bago kinuha ang P1,500 kita sa pamamasada.

Agad lumabas ng taxi ang suspek at tumakbo sa direksiyon ng Leveriza Street, Malate habang nagawang makahingi ng tulong ang taxi driver sa mga tanod na sina Alejandro Rojo at Ney Evangelista at mga pulis ng naturang presinto na ikinaaresto ng suspek.

Narekober sa suspek ang cash na ninakaw umano nito sa biktima.

Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings sa Pasay Prosecutor’s Office ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page