Ginebra, finalist na!

Hindi na pinatagal ng Barangay Ginebra ang kanilang best-of-five semifinal battle matapos patalsikin ang NorthPort Batang Pier, 120-107 sa Game 4 ng PBA Governors’ Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Nagtala si import Justine Brownlee ng 36 pounts, 19 rebounds at waling assists upang ilista ang 3-1 series at isampa sa finals ang Gin Kings.
Sa laki ng lamang ng Gin Kings, halos nag-jogging na lang sila sa huling quarter. Makakalaban ng crowd favorite Ginebra sa championship round ang mananalo sa pagitan ng TNT KaTropa at Meralco Bolts.
Humarurot ang Gin Kings sa unang dalawang periods kaya nahawakan nila ang 17-point lead, 56-39, sa halftime.
Inalagaan ng Ginebra ang kanilang lamang sa third kaya nanatili sila sa unahan papasok ng fourth, 86-75. Samantala, isang hakbang na lang at sampa na sa finals ang TNT KaTropa.
Ni-load ng KaTropa ang 2-1 serye matapos paluhurin ang Meralco Bolts, 101-97 sa Game 3 ng PBA Governor’s Cup best-of-five semifinals sa Araneta Coliseum.
Tsansa ng TNT na tapusin ang series ngayon araw pagharap nila sa Bolts sa Game 4 sa alas-7 ng gabi sa Ynares Center, Antipolo.
Tiyak na muling kakapitan ng KaTropa sina Troy Rosario at import KJ McDaniels para makuha ang inaasam na panalo.
Namuno sa opensa si Rosario subalit si McDaniels ang sumalpak ng pandiin na dalawang puntos sa bandang dulo ng laban.
Nagmintis ang layup Jayson Castro at nagmintis ito pero umangat si McDaniels para sa fillow-up kaya nahawakan nila ang tatlong puntos na bentahe, 100-97 may 37 segundo na lang sa orasan.
Tumipa si Rosario ng 25 points habang 18 pts. at 14 rebounds ang inambag ni McDaniels para sa KaTropa na isang hakbang na lang at sampa na sila sa finals.
Nagningning agad ang boltahe ng Meralco sa simula ng laban, kinapitan nila ang siyam na puntos na bentahe, 51-42 sa unang dalawang period.
Pumabor ang bola sa TNT sa third canto, naagaw ng KaTropa ang bandera matapos magtala ng tatlong sunod na treys, isa kay Jayson Castro at dalawa kay Roger Pogoy para sa 66-64 may 3:49 minuto pa sa orasan.
Lumobo pa ang lamang ng TNT, 77-71 papasok ng fourth quarter. Parehong ayaw magpatalo ng KaTropa at Bolts sa payoff period.
Laro ngayon: (Ynares Center-Antipolo) 6:30 p.m. - TNT KaTropa vs Meralco





Comments