Bataan, Mindoro at Biñan lumalakas sa Lakan Cup
- MC
- Dec 21, 2019
- 2 min read

Bumida sa Bataan Risers si Allyn Bulanadi pagdating sa 4th quarter upang gapiin ang Basilan Steel, 91-83 at palakasin ang kanilang tsansa para sa playoffs ng Chooks-to-Go/MPBL Lakan season noong Huwebes ng gabi sa Bataan People’s Center sa Balanga.
Lumalamang sa puntos na 22, tumarak ng 67-47 pagdating sa final frame, bumakas sa Risers si Bulanadi ng 23 puntos kabilang na ang huling 16 ng Steels at itulak ang Basilan sa dikit na iskor, 83-80 sa nalalabing 24 na segundo.
Kinapos si Bulanadi nang bumanat si Joseph Nalos ng 2 free throws sa natitirang 20 segundo upang matiyak ang ika-15 panalo ng Bataan kontra sa 9 na pagkatalo sa North division, kapareho ng Basilan sa South Division ng 31-team league.
Pinangunahan ni John Bryon Villarias ang Risers na may 17 puntos, 6 rebounds at 6 assists, kasunod ni Chito Jaime sa 13 points at 5 rebounds at si Reed Juntilla ay may 12 points.
Ang 6-foot-2 na si Bulanadi, na nanggaling sa San Sebastian College ay may 26 puntos at 3 rebounds para sa Steel.
Nakagawa si Cris Dumapig at Arvie Bringas ng 13 at 12 points para sa Basilan. Sa iba pang laro, ginapi ng Mindoro Tamaraws ang Rizal Golden Coolers, 74-73, habang ang Biñan City Luxxe White ay pinasuko ang Caloocan Supremos, 72-68.
Si Richard Abanes ang kumana ng ikalawa sa kanyang dalawang free throws sa nalalabing 2 segundo upang iangat ang Mindoro sa 9-17 sa South.
Nakabakas si Abanes para sa Mindoro ng 22 points habang si Jordan Rios ay may game-high 24 points para sa Rizal na lumagpak sa 4-18 sa North.
Bumida si Clark Bautista at maging top scorer para sa Biñan sa 20 points, pero si Kyle Neypes ang kumana ng apat na malupet na puntos matapos na ipatas ni Paul Sanga ng Caloocan ang game sa 68 sa bisa ng tres.
Umakyat ang Biñan sa kartang 11-14 at manatiling buhay ang playoffs bid sa North sa 14-11 slate.
Naglaro kagabi ang Maharlika Pilipinas Basketball League sa San Andres Sports Complex kung saan naglaban ang Sarangani at Valenzuela ng 4:15 p.m.
Maglalaban ang Muntinlupa at Iloilo ng 6:45 p.m. habang ang Bacolod ay mahaharap sa Manila ng 8:45 p.m.





Comments