6 na construction workers, pinagbabaril
- Janice Baricuatro
- Dec 21, 2019
- 1 min read

Pinagbabaril ng dalawang lalaki ang anim na construction workers habang nakasakay sa van at pauwi na galing sa kanilang pinagtatrabahuhan, kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Open Canal Road, Bgy. Malagasang 2-C Imus, Cavite.
Kinilala ang napatay na si Oriel Advincula, nasa hustong gulang, construction worker, habang kritikal ang isa pa na si Michael Anday. Ligtas naman ang apat na kasamahan ng mga ito.
Sa ulat ng pulisya, alas-7:00 ng gabi nang maganap ang insidente.
Dalawang armadong kalalakihan umano ang biglang humarang sa kanila at dito pinaulanan ng bala ang sasakyan ng mga biktima.
Kalibre .45 pistol umano ang dala ng mga suspek. Napuruhan at natadtad ng tama ang biktimang si Advincula na siyang nagmamaneho ng sasakyan.
Sa kasalukuyan ay wala pa ring malinaw na motibo ang pulisya hinggil sa naganap na pananambang gayundin sa pagkakakilanlan ng mga suspek.





Comments