10th ASEAN Para Games inilipat sa Marso 2020
- ATD
- Dec 21, 2019
- 1 min read

Kinumpirma kahapon ni Philippine Paralympic Committee President Michael Barredo na inilipat sa buwan ng Marso, 2020 ang pagdaraos ng 10th ASEAN Paragames mula sa orihinal na petsa na Enero 18 hanggang 25, 2020.
Ipinabatid ng Philippine Sports Commission ang sitwasyon sa PPC at inirekomenda ang paglipat ng event sa naturang petsa.
Ang pagpapalit ng petsa ay ginawa dahil sa kakapusan ng pondo at iba pang pangangailangan.
Ang Paragames, na twin-event ng Southeast Asian Games, ay inorganisa kasunod ng SEA Games na natapos noong Dis. 11.
Sa isang statement ng inilabas ng PPC, sinabi ni Barredo na, “while we have made every effort to prepare the Games in the past 1 and a half years, matters well beyond our control are compelling us to reschedule the event.”
Idinagdag niya na itatakda na lamang ito sa Marso 2020, “to be able to have enough time for financial and logistical matters to be settled.”
Inindorso ng PPC ang naturang pagpapalit ng petsa sa ASEAN Para Sports Federation. Kung saan hiniling din nilang makipag-ugnayan ang PSC sa iba pang ASEAN countries lalo na sa sports ministers hinggil sa naturang petsa.





Comments