top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

‘Yung feeling na wala kang magandang magawa... Mga paraan para palaging nasa mood mag-isip

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 21, 2019
  • 2 min read

No Problem

Siguradong darating sa point na nawawala ang ating creative spirit, freelance artist ka man o hindi. ‘Yung tipong napakaraming dahilan para maging creative, pero nothing feels right. Char!

Gayunman, kahit hindi natin alam kung kailan darating ito, narito ang ilang tips para hindi mawala ang creative spirit:

1. HUWAG MAGKUMPARA. Lahat tayo ay may iba’t ibang ideya at kapasidad kaya mga besh, huwag ikumpara ang mga gawa mo sa ibang tao.

Kung sa tingin mo ay hindi maganda ang gawa mo, pagandahin mo pa dahil kung magkukumpara ka, siguradong mawawalan ka ng ganang tapusin ito or worse, mawala pa ang creativity mo.

Huwag kang mag-alala dahil ‘ika nga nila, kahit gaano kapangit ang tingin mo sa iyong gawa, may mga tao na makaka-appreciate nito.

2. HUMINGA. May mga araw at pagkakataon talaga na feeling natin ay wala tayong magandang nagagawa kaya kapag naranasan mo ito, huminga ka lang. Yes, beshy, lalo na kung inaatake ka ng anxiety at stress. Kapag feeling mo ay walang nangyayaring tama o hindi umaayon ang creative juices mo sa iyong kagustuhan, huminga ka lang. Okay?

3. MAGLISTA NG MGA IDEYA. For sure, may mga moment na tuluy-tuloy ang pagpasok ng creative ideas sa isip natin, pero ang ending, nawawala ito. Hays!

Mga besh, kapag may naisip kayong ideya na sa tingin n’yo ay makatutulong, ilista n’yo lang ito. Isang sentence man o salita, ilista mo lang at palawakin ang ideya kapag magsisimula ka nang magtrabaho.

4. MAGSIKAP. Ang mga sikat na art ay hindi natatapos sa sandaling panahon lang dahil ito ay nangangailangan ng maraming oras para mapaganda.

Kung feeling mo ay sikap ka nang sikap, pero kakaunti ang progress, huwag kang malungkot dahil ‘ika nga nila, small progress is a progress.

5. UMINOM NG TUBIG. Ito ang pinakasimpleng paraan, pero ito ang pinakaimportante. Mas madaling magtrabaho at magpanatili ng creative spirit kung hindi ka dehydrated.

Mga besh, normal lang na mawalan ng gana kung pagod ka talaga. Gayundin, kung kailangan mong magpahinga para maibalik ang creative spirit mo, why not? Make sure rin na magagawa mo ang ilang tips na ito, ha? Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page