UV Express iwas-trapik, nag-shortcut.. Titser at grade 6 patay sa tren
- V. Reyes
- Dec 20, 2019
- 1 min read

Dedo ang isang guro, gayundin ang 12-anyos na lalaki habang 15 iba pang sugatan nang salpukin ng tren ng Philippine National Railway (PNR) ang pampasaherong van na tumatawid sa riles sa Libmanan, Camarines Sur, nitong Linggo ng umaga.
Ayon kay Staff Sergeant Emy Rose Organis, alas-11:50 ng umaga nang mangyari ang insidente na ikinamatay ng gurong si Glenda Rabago at Grade 6 na estudyanteng si Jaime Victor, kapwa pasahero ng nasabing UV Express.
Patungo ng Naga City ang van na minamaneho ni Danilo Diokno at habang tinatawid ang riles ay niragasa ito ng tren na patungong Sipocot.
Dinala ang mga sugatang pasahero sa Libmanan District Hospital at Naga City Hospital.
Lumabas sa paunang imbestigasyon na umiwas sa mabigat na trapiko ang drayber ng van at gumamit ng shortcut na daan sa Camambugan nang mangyari ang insidente.





Comments