top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Paalam, hanggang sa huli ni: Alissa Joy Gabatino

  • What's In, Ka-Bulgar
  • Dec 20, 2019
  • 1 min read

Madalas narinig natin ito sa mga naghiwalay na magkarelasyon,

sa mga pelikulang romantic hanggang ngayon.

Pero binibigkas din natin tuwing nawawala ang mahal sa buhay,

parang buong lakas mo ay kanyang tangay.

Sa puti niyang higaan, siya’y iyong pinagmamasdan,

mga ilaw sa pagitan na nagbibigay ng kaliwanagan,

at ang bakal sa ilalim nito ang siyang patungan,

at sa ibabaw nito makikita niyo ang kanyang larawan.

Panghihinaan ka’t mawawalan ng gana,

sa lahat ng pagkakataon ika’y mapapaluha.

Dahil sa lungkot na iyong nadarama,

umiyak na lamang ang tanging mong magagawa.

Bakas sa iyong mukha ang lungkot na iyong nadarama

iniisip ang bawat sadaling siya’y iyong kasama

sa saya at lungkot ng inyong pagsasama

luha sa iyong mga mata ang iyong mapupuna

Sa paglipas ng mga panahon,

alaala nito’y bumabalik taon-taon.

Kaya’t ‘di mo makalilimutan ang nakaraan niya’t kahapon,

may lungkot na madarama ngunit hanggang doon nalang yun.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page