top of page

Mas tanggap pang sabihang nagpabuntis lang… Juday, galit na galit 'pag tinatawag na ampon ang an

  • Beth Gelena
  • Dec 20, 2019
  • 2 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @officialjuday

Lumalaki na ang panganay na anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Yohan.

Dalagita na siya at 15 years old na.

Sanggol pa lang si Yohan ay nasa poder na ng Teleserye Queen. Nang ikinasal sila ni Ryan ay isi­nunod nila si Yohan sa apelyido ng Eat… Bulaga! host.

Sa Tonight with Boy Abunda, sinabi ni Juday na nag-uumpisa nang magtanong ang anak sa kanyang biological mother. Hindi naman kasi lingid kay Yohan na siya ay adopted daughter ng celebrity cou­ple. Pero, hindi itinuring na iba ng mag-asawa si Yohan.

Ani Juday sa TWBA, si Yohan ay answered prayer sa kanilang mag-asawa.

“Nu’ng una, parang… hindi siya in denial, eh, pero parang baka feeling niya siguro, baka binobola ko siya or something.

“And we made her realize na Ryan and I started a family because of you. Ikaw ‘yung mitsa ng kandila ng pa­milya natin,” paliwanag daw niya sa panganay na anak.

Kulang na lang ay si Juday ang magluwal kay Yohan.

“You came first, so always remember, hindi ka basta saling-kitkit dito. You started this family.”

Mula nang magkaisip si Yohan, alam niyang adopted na siya. Pero hindi maiaalis sa bagets na magtanong din kung sino ang tunay niyang ina.

Dumating ang kinatatakutan ni Juday nang magtanong daw ang anak.

“Do you know my mom?” tanong daw ni Yohan.

“No,” ang sagot naman ng Kapamilya actress.

Tanong daw uli ng anak, “Are you friends with my dad?”

“No, sweetheart,” ani Juday.

Pakiramdam pa nga raw ni Juday, parang nahihiya pang magtanong si Yohan tungkol sa totoo niyang mga magulang. Natatakot daw ang anak na baka ma-offend siya sa tanong about her real parents.

Maganda ang pagpapalaki ni Juday kay Yohan. Katunayan, sinasabi niya sa karami­han kapag naiinterbyu siya tungkol sa anak na ayaw niyang maglilitanya ang mga nagtata­nong na adopted si Yohan.

Lahad ng Starla lead actress, “At some point, hate na hate ko ‘yung word na adopted.

“Wala akong pakialam kung ano ang sabihin ng mga tao na naanakan ako o nagpabuntis ako.”

Si Yohan ay dumating sa buhay ni Juday nu’ng 2004.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page