Horoscope | Disyembre 20, 2019 (Biyernes)

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 20, 2019 (Biyernes): Mas masuwerte ka kaysa sa mga pangkaraniwan. Ang iba ay matatawag na kapus-palad habang ikaw ay kabilang sa mapapalad na nilalang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Habaan mo ang pang-unawa mo dahil nakakapagod ang mga aktibidad sa araw na ito. Marami ang kakapusin sa lakas at oras kaya dapat silang pagbigyan na makapagpahinga muna. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-20-28-30-35-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nasa tabi mo lang ang mga suwerte. Manatili kang masaya nang sa gayun ay mabilis na magsidapo sa iyo ang mga ito kapag kailangan mo na. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-21-27-30-34-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Marami ang mga suwerteng magsisidatingan sa iyo. Ang kasiyahan mo ay walang pagsidlan kaya aapaw ang kagalakan sa iyong puso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-19-24-26-30-35.
CANCER (June 21-July 22) - Masarap ang makatanggap ng mga materyal na bagay ngayong kapaskuhan. Pero ang higit na pasasalamatan mo ay ang hindi materyal na bagay na magbibigay ng kaligayahan sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-14-17-20-29-31.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ikaw ang manguna at hindi ka dapat maging tagasunod lang. Sa pagiging lider mo, ang lahat ay aani ng paghanga at pagkilala at ang nakatutuwa pa, kayo ay sobrang bubuwenasin ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-22-27-30-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Idagdag mo ang magagandang ideya mo sa grupo. Marami ang nasa isip mo na kakaiba at nakatutuwang ideya na magbibigay ng isang libong saya sa mga tao. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-21-24-25-34-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mapasasaiyo ang mga suwerteng nasa paligid mo kung ikaw ay may suot na mga palawit. Paminsan-minsan, hahawakan mo ang palawit mo at magugulat ka dahil susuwertehin ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-20-25-27-30-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Manatili kang presko na parang mukhang sariwa ang ganda mo. Manatili kang masigla na parang handa ka na sa anumang bagay. Sa ganitong paraan, ang malalaking suwerte ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-15-19-21-27-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagpapatuloy ang ilang bulalakaw na magbibigay-saya sa mga may kakaibang kahiligan sa buhay. Ikaw at ang bulalakaw ay iisa, ipagpatuloy mo ang pagpapasaya sa mga tao. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-12-16-23-35-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong kaligtaan na ang pagpapatunog ng mga barya ay isa sa epektibong pampabuwenas mo. Gawin mo ito paminsan-minsan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-12-14-26-30-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit saan ka magpunta, dalhin mo ang paboritong mong personal na bag. Paminsan-minsan, yakapin mo ito. Gawin mo ito ngayon dahil ito ang iyong pampasuwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-13-18-20-21-25.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tumabi ka sa masayahin at ikaw ay susuwertehin. Hindi sinasadya na ang mga suwerte nila ay mahimalang maililipat sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-11-14-27-30.




Comments