CBA: Paranaque, Rizal at Valenzuela, nanalasa
- MC
- Dec 20, 2019
- 2 min read

Dobleng lakas ang ipinakita sa laro ng Parañaque nang talunin ang Caloocan, upang masolo ang liderato sa bisa ng apat na diretsong panalo sa Community Basketball Association-Pilipinas Executive Cup sa San Dionisio gymnasium sa Parañaque City. Nagpakawala agad si Angel Razon ng 23 puntos, 20 na minuto bago pa man nagsisimula ang aksiyon upang palakasin ang Hi-Flyers ni Dist.1 head Marvin Santos at kunin ang panalo.
Dumagdag si Alfonso Rodriguez ng 14 puntos at 9 rebounds habang si Jayboy Solis ay may naibakas na 10 points, 6 rebound at 7 assists para sa Parañaque na lumamang ng 27-15 sa unang quarter pa lamang.
Halos 33 puntos ang inilamang nila tungo sa nakakukumbinsing panalo sa prestihiyosng torneo na inorganisa ni CBA founder at actor-director Carlo Maceda. Sa kabuuan, ang Parañaque ay nakagawa ng 88 shots para sa 40 percent kumpara sa 21 of 70 ng Caloocan sa 30 percent. Nakapagtala rin ang Hi-Flyers ng maraming rebounds, (60-47, assists (29-19), Steals ( 10-3) at blocks ( 3-1) kaysa sa Saints. Binitbit ni Zach Huang ang tropa ng Caloocan sa bisa ng double-double effort na 27 puntos at 11 rebounds, kasunod ni Jonathan Gesalem na may 12 points at 11 rebounds. Walang ibang player mula sa Caloocan ang nakagawa ng doule figure scores sa harap ng pagdepensa sa Parañaque.
Sa iba pang laban sa Naiagara gym, dinemolis ng Rizal ang Manila, 73-55 sa 18-under category. Sina Jan Clement Macalag, Jiam Quiambao at Dominic Panlilio ang nagtulong-tulong para sa Rizal na kailangan ng malakas na second quarter run upang manaig sa Manila. Tumapos si Macalag ng 17 points para sa Chiefs na tinalo rin ang Sausage Kings, 25-10 sa 2nd period at makontrol ang laro.





Comments