Pera, gadgets at alahas tinangay.. Negosyante niratrat ng 3 akyat-bahay, todas

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng tatlong suspek ang isang negosyante bago pinagnakawan, kamakalawa ng gabi sa Bgy. Calibuyo, Tanza, Cavite.
Kinilala ang biktima na si Jorge Padilla, nasa hustong gulang, businessman.
Alas-8:00 ng gabi, nasa kanyang garahe ang biktima nang dumating ang mga armadong suspek at pinagbabaril ang biktima.
Nang humandusay ay mabilis na nagsipasok ang mga suspek sa bahay at tinangay ang mga alahas, tatlong cellphones at cash na hindi pa mabatid ang halaga.
Matapos makuha ang lahat ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek.
Naitakbo pa sa pagamutan ang biktima subalit, idineklara itong dead-on-arrival. Isang dragnet operation ang ikinasa at nangangalap na rin ng mga CCTV footages sa lugar ng insidente.





Comments