Para sa sakit sa puso, diabetes, hika etc.. 150 gamot, tatapyasan ng 75%

Isang grupo ng mga medicine manufacturers ang nag-alok na bawasan ang presyo ng ilan sa kanilang ibinebentang gamot sa publiko nang hanggang 75 porsiyento.
Ayon sa Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP), handa ang ilan nilang miyembro na ibigay ang mas mababang presyo sa publiko tulad ng presyo na kanilang ibinebenta sa gobyerno.
Samantala, kung papayag ang Department of Health (DOH), tinatayang nasa 150 gamot ang kasama sa tatapyasan ng presyo.
Kabilang dito ang mga gamot para sa mga sakit sa puso, diabetes, sakit sa bato, hika, psoriasis, mga neurologic disorder, HIV, infectious diseases at iba pa.
Maaari rin umanong tapyasan ang presyo ng gamot para sa ilang uri ng kanser tulad ng breast, colorectal, lung, cervical, kidney, ovarian, lymphomas at prostate.
Nauna nang sinabi ng DOH na apat na beses na mas mataas ang presyo ng generic drugs sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa. Nasa 22 beses namang mas mataas ang presyo ng branded na gamot sa Pilipinas, lalo sa mga pribadong ospital at botika kumpara sa ibang bansa.





Comments