P141 milyong shabu sa parcel, buking

Photo: Gma News (left)
Aabot sa 20.8 kilos ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa warehouse ng FedEx sa Pasay City.
Ayon sa BOC, ang nasabing droga ay nakalagay sa dalawang parcel na idineklara bilang speaker at mula sa Estados Unidos.
Nadiskubre na ilegal na droga ang laman ng mga nasabing parcel matapos isailalim sa eksaminasyon ang mga ito at nang isailalim sa pagsusuri, nakumpirmang shabu ito.
Tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P141 milyon ang nadiskubreng droga na iti-turnover sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa kaukulang imbestigasyon.





Comments