Order of Lapu-Lapu award iginawad sa Nat’l Teams
- MC/Gerard Arce
- Dec 19, 2019
- 2 min read

Bukod sa napakalaking cash reward na ipinagkaloob ng Philippine Sports Commission at ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ginawaran din ang national team ng “Order of Lapu-Lapu” award dahil sa pagiging overall champion sa 30th Southeast Asian Games.
Halos 600 na medalists ng SEAG ang dumating sa Malacañang kahapon at isa-isa nilang tinanggap ang kani-kanilang bonus na ipinangako ng Pangulo kasabay din ng paggagawad sa kanila ng merito ng pagkilala na itinuturing na malaking pasasalamat ng Pangulo sa mga naging kontribusyon ng Pinoy athletes sa kanilang naging tagumpay na kampanya at programa sa gobyerno.
Sa pamumuno ni Team Philippines Chef de Mission at Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez, suot ng national team ang kanilang official tracksuit na humarap sa Pangulo sa Rizal Hall ng Malacañang Palace.
Naroon din sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Philippine Olympic Committee President, Cong. Bambol Tolentino, Philippine SEAG Organizing Committee Chairman and Speaker Alan Peter Cayetano, Commissioners Celia Kiram, Arnold Agustin at Charles Maxey kasama ang mga pangulo at secretaries general ng iba’t ibang national sports associations.
Ayon sa batas, ang gold medalist ay mayroong bonus na P300,000, ang silver ay P150,000 at ang bronze ay P60,000. Ang insentibong inilaan sa mga atleta ay halos P79-M. Sa isang maigsing programa bago ang pagdating ng Pangulo, ibinigay na ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang tseke upang pondohan ang incentives awarding ayon sa RA 10699.
Sa kanyang pananalita, inilahad ni Ramirez ang papel ng gobyerno sa likod ng tagumpay ng national team alinsunod sa kampanya ng SEAG, “we are lucky to have a President who support us fully and has a big heart for our athletes.”
Sa panahon ni Duterte, ang national athletes ay sinuportahan sa kanilang nutrisyon, matataas na allowances, maayos at bagong pasilidad, bagong mga equipments at mas maraming oportunidad ng training at exposures.
”When we came in, the athletes received on P5000 meal allowance.
Now on top of that they also get P25,000 worth of nutrition support monthly,” paliwanag ni Ramirez, idinagdag na ang investments na ito para sa national team ay nasulit naman dahil sa ipinakitang mahuhusay na performance at naka-landslide win ang Team Philipines sa SEAG at “hopefully an Olympic gold soon.”
Sina Pauline Lopez ng Taekwondo, Marck Jesus Espejo ng Volleyball at Jasmine Alkhaldi ng swimming ang kumatawan sa gold, silver at bronze medalists at tinanggap ang tseke mula sa Pangulo sa ceremonial awarding.





Comments