Lalaki hinoldap, pinatay.. Mga nagwi-withdraw sa ATM, target

Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko sa pagwi-withdraw sa mga automated-teller machine (ATM) ngayong Kapaskuhan kasunod ng mga insidente ng panghoholdap at pagpatay.
Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, bagama’t, nasa pinakamataas na alerto ang buong puwersa nito ay aktibo rin ang masasamang elemento sa pagdiskarte na makakuha ng instant na pera.
Ipinapayo ni Banac ang pag-iwas sa pag-withdraw ng pera sa madidilim na lugar at maging mapagmatyag sa paligid.
“Piliin lamang natin ang lugar kung saan tayo magwi-wtihdraw ng cash sa ating ATM machines. Iwasan na mag-withdraw ng malaking halaga, ‘yung kakailanganin lamang na salapi,” dagdag ni Banac.
Kaugnay nito, tiniyak ng PNP na may mga pulis na nagpapatrulya at mayroon ding mga help desk sa mga commercial establishments para tumulong sa mga posibleng mabiktima.
Nauna nang may napatay na lalaki sa Baesa, Quezon City habang ito ay nagwi-withdraw ng pera sa ATM.
Kahit hindi na pumalag ang biktima, pinuntirya pa rin ito ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.





Comments