top of page
Korina Sanchez-Roxas - IG.jpg

Davao Occidental, Zamboanga at Pampanga, dumikit sa playoffs

  • MC
  • Dec 19, 2019
  • 2 min read

Pinalawig pa ng Davao Occidental, Zamboanga at Pampanga ang kanilang mga panalo noong Martes ng gabi upang makadikit sa playoffs drives ng Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season na inilaro sa Bahayang Pag-asa Gym sa Valenzuela City.

Giniba ng Davao Occidental Tigers ang Pasig Sta. Lucia Realtors, 75-71, upang manatili sa top spot ng South division at maitala ang best record sa North Division katapat ang San Juan Knights sa kartadang 20-3.

Sa kabilang banda, tinalo ng Pampanga Giant Lanterns, ang Pasay Voyager, 76-65 upang umakyat sa kartadang 15-9 win loss sa North Division habang ang Zamboanga ay inisahan ang Valenzuela, 85-78 para umangat sa 15-10 win-loss ang record para sa South Division.

Ito ang ikaapat na diretsong panalo ng Davao Occidental, ang ikatlong sunod para sa Zamboanga at ikalawang sunod para sa Pampanga para makausad sa top 8 ng bawat dibisyon at makaabanse sa playoffs.

Pakay nila na makapasok sa top 4 at makuha ang homecourt advantage sa playoffs.

Ipinakita niya kung bakit siya ang lider ng MVP race, bumanat si Mark Yee ng game-high 22 points at 16 rebounds para sa Tigers. Nakatulong ni Yee si Yvan Ludovice sa 11 puntos at 5 rebounds habang si Bonbon Custodio at may 10 points at 4 assists.

Bumida si Alvin Pasaol para sa Zamboanga na may 24 puntos at 9 rebounds kasunod ni Leonard Santillan na may 14 puntos at 7 rebounds haan ang dating pro na si Raffy Reyes ay may 12 points, 5 assists, 3 rebounds.

Isang big game din ang ibinigay ni Mark Cruz para sa Giant Lanters na may 14 points, kabilang na ang 5 points sa nalalabing 27 segundo para sa 62-47 na kalamangan sa laro.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page